Ang Mega Man Xtreme ay maganda at napakaswabeng laro para sa mga batang 90’s. Maganda rin ito para sa bagong henerasyon upang maranasan nila ang aesthetic na gameplay at graphics. Ang Mega Man X Dive ay makakatulong sa mga kabataan upang ma-explore at maranasan ang mga sikat na larong kinagigiliwan ng mga batang 90’s. Kasama ang Laro Reviews, hihimayin natin ang nakatagong ganda ng arcade game na ito.
Mega Man Xtreme at Gacha System
Inilabas ang Mega Man Xtreme noong Marso 22, 2020 at sa paglabas ng laro ay kakaunti pa lamang ang mga karakter na maaari mong gamitin, ngunit sa pinakahuling bersyon ng laro na 4.7.0 ay mayroon na itong isang daan at walong (108) karakter sa loob ng laro. Nasa higit isang milyon pataas (1,000,000+) na rin ang mga nag-download nito sa kanilang mga smartphone. Kinagigiliwan ng karamihan ang Mega Man X Dive sapagkat ito ay mayroong graphics at gameplay na dadalhin ka sa mundo ng mga batang 90s.
Si “Mega Man” ay isang sikat na karakter sa CAPCOM universe, at sa bawat capcom arcade machine ay hindi kumpleto kung wala si “Mega Man”. Ang Mega Man o mas kilalang Rock Man sa Japan ay isang Japanese science fiction game na gawa ng Capcom. Pinagbibidahan ito ng mga serye ng robot na ang bawat isa ay kilala bilang “Mega Man” ng Moniker. Si Rock Man ang mukha ng larong Mega Man kaya naman minsan nalilito ang mga baguhang manlalaro sa pagkakaiba ni Rock Man at sa mga Mega Man. Ang Mega Man X Dive o Rock Man X Dive ay isang modernong laro na handog ng Capcom para sa mga manlalaro. Maraming nawiwili rito, hindi lamang sa magandang graphics at gameplay bagkus sa “Gacha System” din ng laro. Ano ang mechanics ng Gacha? Karamihan sa mga manlalaro ay tinatawag ang Gacha bilang pag-pull, pag-roll at pag-spin upang makakuha ng in-game items o karakter. Ang rewards na makukuha sa bawat pag-pull ay random, ngunit lahat ng Gacha Game ay mayroong tinatawag na “pity system” kung saan ang manlalaro ay garantisadong makukuha ang partikular na in-game item o karakter depende kung ilang beses na itong nag-pull at hindi na kukuha ng isang partikular na bagay. Ang Gacha System ay nauuso sa mga laro ngayon, kagaya na lamang ng mga patok na larong Genshin Impact, Ni no Kuni, Honkai Impact at hindi rin magpapahuli ang Mega Man X Dive. Maraming nahuhumaling sa mga larong may Gacha System kaya naman ito ay nauuso ngayon sa karamihan ng mga patok na laro dahil isa ito sa mga paraan ng mga developer upang pagkakitaan ang isang laro.
Gabay sa mga Baguhan: Tips at Diskarte sa Paglalaro
Kung ating titignan ay mukhang madali lamang laruin ang Mega Man Xtreme kumpara sa mga mas kumplikadong mga gacha na laro, sa kadahilanang ito ay hango sa isang arcade game. Ngunit ang Mega Man X Dive ay isang modernong smartphone game, kaya naman hindi ito magiging madaling laruin kagaya ng mga unang laro na inilabas ng CAPCOM sa mga arcade game. Ngunit wag mag-alala at mabahala sapagkat andito ang Laro Reviews upang tulungan at gabayan ang mga manlalaro sa mga tip at diskarte ng Mega Man X Dive! Una, ‘pag ikaw ay may interest sa paglalaro ng mga gacha game, isaisip lage ang pag-reroll. Ang Mega Man X Dive ay mayroong gacha system, kaya naman dapat ka mag-reroll kung hindi mo nakuha ang mga Class-S na karakter, weapons, at in-game items sa iyong pagsisimula. Kung bagong gawa ang iyong account ay magkakaroon ka ng in-game currencies na magagamit sa pag-pull upang makakuha ng mga gusto mong Class-S na karakter, weapons at in-game items. Sa isang gacha na laro ay hindi ka kinakailangang maging high-level upang makakuha ng mga Class S, dahil ang Gacha ay sumasabay lamang sa iyong swerte. Pangalawa, i-adjust ang iyong settings. Lahat ng mga developer ng kahit ano mang laro ay walang ibang hangad kundi mabigyan ang mga manlalaro ng magandang gameplay. Isa na rito ang mabigyan ang mga manlalaro ng maganda at smooth na controls. Ang pag-a-adjust ng settings na pabor sa sa’yo ay nakakadagdag sa mas magandang karanasan sa iyong paglalaro. Pangatlo, sa iyong pagsisimula ay mas mainam na bigyang pansin ang “story mode” ng laro. Isa ito sa mga paraan upang mas ma-explore mo nang malawak ang laro. Bukod pa rito, hindi rin nakakabagot ang storyline ng mega man xtreme. Magandang paraan ang pagbibigay pansin sa story mode ng laro upang mag pa level-up at magbukas ng mga iba’t ibang tampok ng laro. Pang-apat, ang Mega Man Xtreme ay mayroong daily missions at achievements. Karamihan sa mga gacha game ay mayroong daily missions at achievements, isa na rito ang Mega Man Xtreme. Mainam na gawin ang daily missions araw-araw at ang kumpletuhin ang mga achievement upang makakuha ng mga samu’t saring reward ng laro na maaari mong gamitin sa pag-pull sa mga banner (gacha) at makakuha ng mga S-tier na mga karakter at sandata. Ang Mega Man X Dive ay dalawang taon pa lamang ngunit nabibilang na ito sa pangmalakasang gacha games sa iba’t -ibang bansa. Kaya naman huwag nang mag-atubili pa at i-download na ito sa iyong smartphone. Kasalukuyang available ang Mega Man X Dive Sa Android at iOS. Wala pang bersyon ng PC ang laro.
Mega Man Xtreme – Pananaw ng mga manlalaro sa Gacha Games
Ang karamihan sa mga manlalaro ng gacha games ay laging tinitingnan ang nilalaman ng laro, kung ito ba ay nakakabagot, o madaling matapos. Karaniwan sa mga Gacha game ay mayroong magandang graphics, ngunit kulang naman ito sa gameplay. Ang iba naman ay mayroong magandang gameplay ngunit may iba ring kulang naman sa gameplay. Ngunit karamihan sa mga gacha game ngayon ay may magandang gameplay, magandang graphics, ngunit kulang sa magandang storyline. Ang Mega Man Xtreme ay saktong-sakto sa lahat, sa graphics, sa gameplay, at maging sa storyline nito. Hindi magkakaroon ng magagandang reviews sa playstore ang Mega Man Xtreme kung kulang ito sa nilalaman. Ang Mega Man X Dive ay mayroong 18 Story stages at 16 Co-op stages, at sa bawat stage na ito ay pahirap nang pahirap para sa mga manlalaro. Meron din itong magandang online features gaya ng player-versus-player, co-op, at challenge modes. Bukod dito ay maaari ka ring maglaro kasama ang iyong mga kaibigan. Meron din itong online event na makakakuha ng maraming rewards ang mga manlalaro. Kaya naman, bukod sa magandang gameplay, graphics, at nostalgic vibe na karanasan, ay hindi ka madaling mauubusan ng content sa paglalaro. Isa sa pinakakagigiliwan din ng mga batang 90’s sa larong ito ay ang crossover. Ang paglagay ng CAPCOM sa ibang fictional na karakter ay nagawa nila sa laro, kagaya na lamang ni “Ryu”. Malamang sa susunod na mga update ay marami pang mga sikat na karakter ng CAPCOM ang magkakaroon ng crossover sa Mega Man X Dive!
Konklusyon
Kahit sa kabila ng pagiging dalawang taong gulang na gacha game, ay patuloy pa ring nakikipagsabayan sa mga batikang mga gacha game ang mega man xtreme. Kaya naman maraming mga manlalaro ang tumatangkilik sa laro, lalung-lalo na ang mga batang 90’s na lumaki sa arcade games noong kabataan nila. May Gacha System pang lubos na nagpaganda sa karanasan ng mga manlalaro.
Kung ikaw naman ay tapos na sa iyong daily missions at pagkumpleto ng mga achievement sa Mega Man X Dive, subukan ang alternatibong laro para sa mga Pilipino, ang Big Win Club. Ito ay isang game center app na maaari mong pagkakitaan ng totoong pera. Bukod pa rito ay mayroong itong magagandang graphics, interface, rewards, at bonuses para sa mga baguhang manlalaro. Kaya kung gusto mong sumubok ng ibang tema ng laro bukod sa role playing game, bakit hindi mo subukan ang https://bigwinclub.site/ Available ito sa Android, iOS at maging sa PC. Kaya naman, ‘wag nang magdalawang isip at i-download na ang Big Win Club upang matuklasan ang kamangha-mangha at nakakapanabik na karanasan!
Laro Reviews